Bilang ng mga Filipino sa abroad na nagpositibo sa COVID-19 umabot na sa 9,774 – DFA


Tumaas pa ang bilang ng mga Filipino na apektado ng coronavirus disease o COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) (Martes, August 11) , nasa 9,774 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 72 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,276 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Ayon pa sa DFA, 5,790 naman ang naka-recover o na-discharge na sa ospital.

Ang bilang naman ng mga Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19 ay nasa 708.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na Filipino sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,849 na kaso.

Sumunod dito ang Europe na may 1,036 confirmed COVID-19 positive cases.

Nasa 998 naman ang kaso sa Asia Pacific Region at 784 sa Americas.

Read more...