Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 10,245

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Martes (August 11, 3:00 PM) nakapagtala ng 277 na bagong kaso kaya pumalo na sa 10,245 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 1,984
Laguna – 4,039
Batangas – 1,575
Rizal – 2,079
Quezon – 568

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 6,475.

Nasa 3,422 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 37 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 529
Laguna – 1,253
Batangas – 637
Rizal – 757
Quezon – 246

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 4 kaya umabot na sa 348 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 64
Laguna – 81
Batangas – 56
Rizal – 128
Quezon – 19

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

Read more...