Dalawang beses niyanig ng lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 3.7 na pagyanig sa 103 kilometers southeast ng bayan ng Jose Abad Santos, alas-6:07 gabi ng Martes (August 11) at may lalim na 51 kilometers.
Sumunod na naitala ang magnitude 3.4 na lindol sa 94 kilometers southeast ng bayan ng Jose Abad Santos, alas-6:27 ng gabi at may lalim naman ito na 61 kilometers.
Tectonic ang origin ng mga pagyanig.
Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.
MOST READ
LATEST STORIES