Panukala upang amyendahan ang Contractors’ License Law aprubado na sa house panel

Lusot na sa House Committee on Trade and Industry ang panukala upang amiyendahan ang ilang probisyon ng Contractors’ License Law.

Kapag naging ganap na batas aamyendahan ng House Bill No. 1911, na iniakda ni Deputy Speaker Aurelio Gonzales ang Sections 38, 39, at 40 ng Republic Act No. 4566, o ang Contractors’ License Law.

Ayon kay Gonzales, layon ng umiiral na batas na matiyak na tanging mga qualified at reliable na contractors ang maari lamang humawak sa construction sa bansa.

Kaya sa ilalim ng kanyang panukala, pagmumultahin ang mga contractors na papasok sa joint ventures kahit walang mga karagdagang lisensya at iba pang requirements.

Sisingilin ang mga ito ng hindi bababa sa P50,000 na multa kung ang halaga ng proyekto ay hindi lalagpas ng P500 million, at bababa sa P500,000 ang multa kung ang proyekto ay nagkakahalaga ng mahigit P500 million.

Otomatiko namang madidiskwalipika sa kontrata ang bidder na lalabag sa itinatakda ng panukala.

Sinabi ni Gonzales na layon din ng House Bill No. 1911 na taasan ang bayad sa pagkuha ng lisensya, pagrehistro ng application at renewal para matugunan ang inflation at pagtaas ng operation costs at expenses ng PCAB.

Nakasaad sa panukala na ang pagkuha ng lisensya ay magkakahalaga na ng P5,000, habang ang bayan para sa examination ng applicant at renewal ng kanilang lisensya ay magiging P6,000 at P5,000 na.

 

Read more...