Full Scholarship sa mga nais mag-aral ng medisina pasado na sa Kamara


Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukala para mabigyan ng full scholarships ang mga medical students na tutugon sa kakulangan ng mga doktor sa bansa.

Sa botong 245 na YES at walang tumutol, pumasa ang House Bill 6756.

Sa ilalim nito, bibigyan ng medical scholarship ang mga deserving students ng mga state universities and colleges (SUCs) o private higher education institutions na may return service program.

Sa ilalim ng nasabing programa, Isang scholar sa bawat munisipalidad ang tatanggapin para sa nasabing programa.

Kabilang sa assistance na ibibigay sa mga medical students ay libreng matrikula at iba pang bayarin, gayundin ang mga allowances para sa libro, supplies, equipment, clothing, dormitory, at transportation.

Sasagutin din ang kanilang internship fees, medical board review fees, at annual medical insurance.

Sa ilalim nito, Ang isang medical course graduate ay kailangan munang maglaan ng apat hanggang anim na taon na mandatory return service para sa mga nagtapos ng apat na taon na programa habang pitong taon naman na serbisyo sa bansa para sa mga kumuha ng limang taon na programa.

Maaaring bawiin sa estudyante ang scholarship at ibang benepisyo kapag tumanggap pa ito ng ibang scholarship at bumagsak sa hinihinging academic requirements.

Pagbabayarin naman ng doble ang mga medical students na tatangging magsilbi muna sa mga government hospital o local health office sa kanilang bayan o munisipalidad at sakaling hindi bayaran ay hindi na papayagang i-renew ang kanilang lisensya. / Erwin script 6

Read more...