Global death toll sa COVID-19 mahigit 737,000 na

Sumampa na sa mahigit 737,000 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos, ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo ay 737,866 na.

Pinakamaraming naitalang nasawi pa rin sa US na umabot na sa 166,163.

Sumampa naman na sa mahigit 101,000 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Ang death toll sa Mexico ay umabot na sa mahigit 52,000.

Habang ang India ay mayroong mahigit 45,000 nang nasawi.

Narito bilang ng mga nasawi sa iba pang mga bansa:

Brazil – 101,857
Mexico – 52,298
UK – 46,526
India – 45,353
Italy – 35,209
France – 30,340
Spain – 28,576
Peru – 21,072
Iran – 18,616

Sumampa naman na sa mahigit 13.1 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 6.3 million pa ang aktibong kaso.

 

 

 

Read more...