Ilang araw matapos ang Beirut blast, Prime Minister ng Lebanon nagbitiw sa pwesto

Nagbitiw sa pwesto si Lebanese Prime Minister Hassan Diab matapos ang pagsabog na naganap sa Beirut.

Inanunsyo ni Diab ang pagbibitiw sa pamamagitan ng pahayag sa national TV na National News Agency.

Magugunitang marami ang nasawi sa pagsabog sa Port of Beirut na ang dahilan ay ang nakaimbak na 2,750 na toneladang ammonium nitrate sa pantalan.

Dahil sa insidente, nagalit ang mga mamamayan sa Lebanon bunsod ng kapabayaan sa storage ng ammonium nitrate.

Iniabot mismo ni Diab kay Lebanese President Michel Aoun ang kaniyang resignation letter.

Hiniling naman ni Aoun kay Diab na magpatuloy sa trabaho hangga’t walang naipapalit sa kaniyang pwesto.

 

 

 

Read more...