Antas ng tubig ng Angat dam nadagdagan pa sa magdamag

Muling nadagdagan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 182.80 meters alas-6:00 umaga ng Martes (August 11) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 182.53 meters.

Nadagdagan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 99.34 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 99.27 meters habang bahagya ding nadagdagan ang antas ng tubig ng La Mesa dam sa 78.75 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 78.67 meters.

Samantala, ang water level ng Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan at Magat dams ay nadagdagan din habang nabawasan naman ang tubig sa Caliraya dam.

 

 

Read more...