Zambales, bahagi ng Quezon nakararanas ng pag-ulan

Nakararanas ng pag-ulan dulot ng thunderstorms ang lalawigan ng Zambales at ilang bahagi ng Quezon.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 6:35 ng umaga ngayong Martes, Aug. 11 katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Zambales.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa San Francisco at San Andres sa lalawigan ng Quezon.

Pinag-iingat ang mga residente sa mga mabababang lugar sa posibleng pagbaha.

Maari ding magdulot ng pagguho ng lupa ang mararanasang malakas na buhos ng ulan sa mga bulubunduking lugar.

 

 

 

Read more...