Magnitude 4 na lindol, tumama sa Zamboanga del Sur

Niyanig ng magnitude 4 na lindol ang Zamboanga de Sur, Lunes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang episentro ng lindol sa layong 13 kilometers Northeast ng Dumingag bandang 11:24 ng gabi.

19 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Sinabi ng ahensya na wala namang napaulat na pinsala sa nasabing lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...