85 pang COVID-19 cases, napaulat sa Navotas City

Nadagdagan pa ng 85 ang bilang ng mga nagpositibo pa sa COVID-19 sa Navotas City.

Sa huling datos hanggang 8:30, Lunes ng gabi (August 10), umakyat na sa kabuuang 3,333 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 1,688 ang aktibong kaso o katumbas ng 51 porsyento.

141 naman ang gumaling pang residente sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 1,542 na ang total recoveries o 46 porsyento ng kabuuang naitalang kaso sa lungsod.

Nanatili naman sa 102 ang pumanaw.

Read more...