Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (August 10), umabot na sa 136,638 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 66,186 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 6,958 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito na ang pinakamataas na naitalang bagong kaso ng nakakahawang sakit sa bansa sa loob lamang ng isang araw.
Nakuha ang mga datos mula sa 74 out of 99 licensed laboratories.
Nasa 24 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 2,293 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 633 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 68,153 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.