Yellow warning nakataas pa rin sa Zambales

Nakataas pa rin ang heavy rainfall warning ng PAGASA sa bahagi ng Zambales.

Sa abiso bandang 5:00 ng hapon, ito ay dulot pa rin ng umiiral na Southwest Monsoon.

Nakataas ang yellow warning sa Zambales partikular sa Botolan, Cabangan, San Felipe, San Narciso, San Antonio, Palauig, Iba at San Marcelino.

Babala ng weather bureau, posibleng makaranas ng pagbaha sa mga mabababang lugar.

Sinabi ng PAGASA na asahan pa rin ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Pampanga, Bulacan at Nueva Ecija sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.

Kaparehong lagay ng panahon din ang iiral sa Tarlac, Bataan at nalalabing bahagi ng Zambales sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.

Nag-abiso ang PAGASA sa publiko na tutukan ang magiging lagay ng panahon.

Read more...