Sa botong 242 na YES at 6 na NO, pumasa ang House Bill 6953 na ikalawang stimulus package para sa pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic.
Sa ilalim ng Bayanihan 2 ay magkakaroon ng standby fund na P162 bilyon na may bisa hanggang sa buwan ng December 31, 2020.
Ang nasabing halagang ay ilalam para sa emergency subsidy sa mga displaced workers, cash-for-work programs, prevention and control para sa COVID-19, support programs para sa mga apektadong sektor at sa agricultural sector.
Nakasaad din dito na binibigyan ng karapatan ang mga government financial institutions na magbigay ng pautang, subsidiya, diskwento at iba pang grants para sa pagbili ng electronic gadgets na kakailanganin ng mga guro at estudyante sa ilalim ng distance at blended learning.
Ang mga estudyante na hindi nakakatanggap ng educational subsidy mula sa gobyerno at nahaharap sa financial crisis ay bibigyan ng subsidiya sa ilalim nito.