Yellow warning itinaas na rin sa Metro Manila

Nagtaas na rin ng yellow rainfall warning ang PAGASA sa Metro Manila.

Sa inilabas na heavy rainfall warning ng PAGASA, alas 11:00 ng umaga ngayong Lunes, August 10, yellow warning ang nakataas sa Metro manila, Zambales, Bataan at Bulacan.

Mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang mararanasan pa sa Tarac, Nueva Ecija, Rizal, at Quezon

Habang ganitong lagay na ng panahon ang umiiral sa Cavite, Laguna, Batangas at nalalabing bahagi pa ng Pampanga.

Pinapayuhan ang mga naninirahan sa mabababang lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha.

Ang malakas na buhos ng ulan ay maari ding magdulot ng landslides sa mga bulubunduking lugar.

 

 

 

 

 

Read more...