COVID-19 death toll sa uniformed service, 27 na

Namatay ang isang senior military officer na mayroong mga sintomas ng COVID-19.

Hindi na pinangalanan ni AFP spokesman, Maj. Gen. Edgard Arevalo ang nasawi nilang opisyal na na-confine sa V. Luna Medical Hospital.

Aniya, may 1,137 na silang tauhan ang tinamaan ng COVID 19 at 516 sa kanila ang nakabalik na sa duty; 138 ang naghihintay ng clearance; 473 ang active cases at may 10 ng namatay.

Sa PNP, umakyat na sa 2,942 ang tinamaan ng sakit matapos makapagtalaga ng karagdagang 33 kagabi.

Sa naturang bilang, 1,563 na ang gumaling at 12 ang nasawi. Higit 900 ang naitala sa NCRPO at marami ang front liners.

Patuloy naman ang pag-monitor sa 842 probable at 2,177 suspected cases.

Sa Bureau of Jail Management and Penology, 97 ang nanatiling active cases sa naitalang 263 kaso at may tatlong namatay, samantalang sa Bureau of Fire Protection, may 214 active cases at dalawa ang namatay sa naitalang 1,600 kaso ng COVID 19.

 

Read more...