Mansalay, Oriental Mindoro niyanig ng magnitude 3.3 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang lalawigan ng Oriental Mindoro.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 15 kilometers southwest ng bayan ng Mansalay, alas-9:25 umaga ng Lunes (August 10).

May lalim na 11 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

Read more...