Kaso ng COVID-19 sa buong mundo mahigit 20 milyon na

Sumampa na 20 milyon ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa pinakahuling datos, 20,022,265 na ang global cases ng COVID-19.

Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 207,000 na bagong kaso sa magdamag.

Ang kaso sa Estados Unidos ay sumampa na sa 5,199,444 matapos makapagtala ng mahigit 49,000 pang bagong kaso.

Ang Brazil ay nakapagtala ng mahigit 22,000 bagong kaso habang mahigit 62,000 ang nadagdag sa kaso ng COVID-19 sa India.

Ang Pilipinas ay pang-22 na sa mga bansa na may pinakamaraming kaso sa mundo.

Narito ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba pang mga bansa:

Brazil – 3,035,582
India – 2,214,137
Russia – 887,536
South Africa – 559,859
Mexico – 480,278
Peru – 478,024
Colombia – 387,481
Chile – 373,056
Spain – 361,442

 

Read more...