Sinimulan ang lockdown ngayong araw, August 10 at tatagal hanggang sa August 12.
Ayon sa memorandum order Presiding Judge Agripino Bravo, isang empleyado ng korte ang nagpositibo sa COVID-19.
At karamihan sa mga staff ng korte ay nagkaroon ng contact sa nasabing pasyente.
Nagsagawa na ng RT-PCR test sa mga nakasalumuhang empleyado at hinihintay na lang ang resulta.
Kanselado muna ang lahat ng pagdinig para sa mga nabanggit na petsa.
Maging ang mga nakatakdang pagdinig via videoconferencing ay kinansela din.
Mananatili namang operational ang e-mail at Facebook page ng Branch 55.
MOST READ
LATEST STORIES