LOOK: Watawat ng Pilipinas sa Maynila inilagay sa half-mast

Ibinaba sa half-mast ang Watawat ng Pilipinas sa Maynila.

Sa larawan na ibinahagi ng Department of Tourism Culture and Arts of Manila, inilagay na sa half-mast ang Watawat sa Kartilya ng Katipunan sa tabi ng Manila City Hall.

Ito ay bilang pakikidalamhati sa pagpanaw ni dating Manila Mayor Alfredo S. Lim.

Dalawang beses naging alkalde ng Maynila si Lim.

Una ay mula 1992 hanggang 1998 at ikalawa noong 2007 hanggang 2013.

 

 

 

Read more...