Legal Department ng PhilHealth dapat unahing linisin ayon sa Malakanyang

Pinauuna ng Palasyo ng Malakanyang sa PhilHealth na linisin ang kanilang legal department.

Ito ay kung nais ng PhilHealth na mawalis ang korapsyon sa kanilang tanggapan.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kaya kasi ng legal department na matakpan ang isang anomalya.

Inihalimbawa ni Roque ang isinampang reklamo noon sa PhilHealth laban sa Wellmed na ibinasura lang naman ng kanilang legal department.

Si PhilHealth Senior Vice President Jojo del Rosario aniya ang tumatayong head ng legal department noon ng PhilHealth.

 

 

 

Read more...