Bayabas, Surigao del Sur niyanig ng magnitude 3.5 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Sur.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 12 kilometers northwest ng bayan ng Bayabas, alas-7:49 umaga ng Lunes (August 10).

May lalim na 48 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Ito ay aftershock ng naganap na magnitude 5.8 na lindol sa Bayabas, Surigao del Sur noong July 27, 2020.

 

 

Read more...