Draymond Green pinatawan ng $50K na multa ng NBA

Pinatawan ng $50,000 ng NBA si Golden State Warriors forward Draymond Green dahil sa paglabag sa anti-tampering rule ng liga.

Ito ay makaraang magkomento si Green tungkol kay Phoenix Suns guard Devin Booker habang umaakto siyang sports analyst sa broadcast ng TNT.

Sa nasabing insidente nagkomento si Green na dapat ay alisin sa Phoenix si Booker upang magamit nito ang galing niya sa basketball.

Ang 23 anyos na si Booker ay mayroong kontrata sa Suns para sa 2023-24 season.

 

 

Read more...