Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 182.53 meters alas-6:00 umaga ng Lunes (August 10) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 182.28 meters.
Nadagdagan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 99.27 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 99.24 meters habang bahagya ding nadagdagan ang antas ng tubig ng La Mesa dam sa 78.67 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 78.61 meters.
Samantala, ang water level ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams ay nadagdagan din habang nabawasan naman angtubig sa Binga dam.
MOST READ
LATEST STORIES