LOOK: 2 pamilyang walang tirahan sinagip sa Maynila

Sinagip ng mga tauhan ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) Disaster at Rescue teams ang dalawang pamilya na sa lansangan ng Maynila naninirahan.

Ang dalawang pamilya ay nakitang nakahiga sa Dapitan kanto ng Mendoza St. Linggo (Aug. 9) ng gabi.

Ayon kay MDSW Director Re Fugoso, patuloy ang paglulunsad nila ng reach-out operations upang matiyak ang kaligtasan ng mga Manileño.

Lalo’t higit ang mga kabataan sa gitna ng banta ng COVID-19.

Kasalukuyan namang naninirahan ang dalawang pamilya sa Delpan Covered Court habang sila ay nasa pangangalaga ng MDSW.

 

 

 

Read more...