Naitala ang pagyanig sa 19 kilometers south east sa bayan ng Anda.
Sa unang impormasyon na inilabas ng Phivolcs, 4.6 ang magnitude ng lindol pero ibinaba ito sa 4.1 makalipas ang ilang minuto.
Ayon sa Phivolcs, may lalim na 18 kilometers lamang ang lindol at tectonic ang origin.
Wala namang inaasahang pinsala o aftershocks na maitatala bunsod ng nasabing pagyanig.
Kahapon ng hapon, naitala ng Phivolcs ang magnitude 5.6 na lindol sa bahagi naman ng Saranggani sa Davao Occidental.
MOST READ
LATEST STORIES