Cardiac arrest ang dahilan ng pagpanaw ng direktor.
Isa lamang sa pinakahuling pelikula ni De Ramas ay ang “Beauty and Bestie” na kasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) noong Disyembre.
Nagpahayag na ng kalungkutan at pakikiramay ang mga kasamahan ni Deramas sa industriya dahil sa kaniyang pagpanaw.
Sa tweet ni Vice Ganda, sinabi nitong ‘sagad hanggang buto’ ang kaniyang kalungkutan dahil sa pagpanaw ng direktor.
Gamit din ang kaniyang twitter account, nagpaalam si Anne Curtis-Smith kay Direk Wenn.
Ayon sa malapit na kaibigan ni Deramas na si June Rufino, sinubukan pang i-revive sa ospital ang direktor.
Noong nakaraang taon ay sumailalim sa angioplasty si De Ramas.
Taong 2010 nang itanghal si Deramas bilang “Best Director” para sa pelikulang “Ang Tanging ina mo (Last na ‘to) na pinagbidahan ni Ai-Ai delas Alas.
Nakatakdang iburol si Deramas sa Arlington Funeral Homes sa Araneta Avenue sa Quezon City.