Website ng Public Information Agency napasok ng hacker

JLNNapasok ng hacker ang website ng Public Information Agency (PIA) at naglagay ng pekeng balita tungkol kay LP Presidential Bet Mar Roxas, Vice President Jejomar Binay at tinaguriang Pork Barrel Queen Janet Napoles.

Ang mga pekeng balita ay isinama ng hacker sa mga lehitimong balita nan aka-post sa pia.gov.ph.

Ilan sa mga pekeng balita na inilagay ay may titulong “Janet Napoles found DEAD at Manila Hotel with luxurious rolex watch and Ferrari”, “Jejomar Binay has admitted he’s the real owner of 350-hectare land in Batangas” at “Mar Roxas resigned for Presidency to focus on Korina Sanchez”.

Naglagay din ng mga iba’t ibang larawan ni Roxas na may nakasulat na “King of Epals”.

Nagpakilala ang hacker bilang “Pedrolovescomputer”.

 

Read more...