Bilang ng Filipino abroad na nagpositibo sa COVID-19, 9,754 na

Nadagdagan pa ng 39 ang mga napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang August 9, umakyat na sa 9,754 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 72 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,263 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Umakyat naman sa 5,783 ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Samantala, nanatili naman sa 708 ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,849 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 1,143 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 784 naman ang kaso sa Americas at 978 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...