Ayon kay Fire Officer 3 Alwin Culianan, arson investigator ng Caloocan City Bureau of Fire Protection, (BFP), nagsimula ang sunog sa 2nd floor ng isang apartment sa Guadalupe Street, Morning Breeze Subdivision.
Inuupahan umano ng isang Ricky Arevalo ang unit na pinagmulan ng apoy.
Alas 12:08 ng madaling araw nang magsimula ang sunog na umabot ng ikatlong alarma bago naapula ala 1:28.
Sa pagtaya ng BFP, nasa P4 milyon ang halaga ng mga ari-arian na nasunog at inaalaam na kung ano ang pinagmulan ng apoy.
MOST READ
LATEST STORIES