Naitala ang nasabing datos mula February hanggang August 8.
Sinabi ng kagawaran na sa kabila ng muling pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine (MECQ), napauwi pa rin ang 8,924 overseas Filipinos nitong nagdaang linggo.
Sa kabuuang bilang na 124,717, 49,655 o 39.8 porsyento ang sea-based habang 75,062 o 60.2 porsyento ang land-based.
Sinabi ng kagawaran na patuloy pa rin ang repatriation sa mga nais umuwi ng Pilipinas.
Inabisuhan ng DFA ang sinumang OF na nais makauwi ng Pilipinas ay maaaring ipagbigay-alam sa embahada o konsulado sa kanilang lugar.
MOST READ
LATEST STORIES