Base sa datos, 21,133 pa ang negatibo batay sa isinagawang RT-PCR test ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs hanggang August 9.
Ayon sa PCG, kabilang sa datos ang mga returning overseas Filipinos, OFW at non-OFW.
Para makita ang buong listahan, maaaring bisitahin ang link na ito:
https://bit.ly/30H6yu1
Maliban pa ito sa naitalang 54,073 ROFs na negatibo sa nakakahawang sakit mula July 8 hanggang 30.
Narito naman ang link ng master list:
https://bit.ly/309ZvJV
Samantala, inilabas din ng PCG ang listahan ng negative RT-PCR test results ng 6,657 non-PCG lab IDs or barcodes na na-transmit ng Philippine Red Cross (PRC).
Para ma-access, bisitahin ang link na ito: https://bit.ly/2PAfnPM
Maglalabas ang PRC ng quarantine certificates sa ROFs na makakakumpleto ng mandatory facility-based quarantine at nagnegatibo sa nakakahawang sakit base sa kanilang swab test results.