Mga pulis na tinamaan ng COVID-19, nadagdagan ng 25

Nadagdagan pa ng 25 ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Sabado ng gabi (August 8), 2,459 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

875 pulis ang itinuturing na probable cases habang 2,584 ang suspected cases.

15 namang pulis ang gumaling kung kaya umabot na sa 1,494 ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Nasa 12 pa rin ang pulis na pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.

Read more...