Dating Manila Mayor Alfredo Lim, pumanaw na

FILE PHOTO

Pumanaw na si dating Manila Mayor Alfredo Lim sa edad na 90.

Kinumpirma ito ng kaniyang apo na si Paul Dela Cruz sa pamamagitan ng post sa Facebook.

Sa post ni Dela Cruz, ipinarating nito ang pasasalamat sa mga itinuro at gabay ni Lim sa kaniya bilang lolo.

Photo grab from Paul Dela Cruz Facebook account

“Lolo maraming maraming salamat sa lahat lahat ng bagay na binigay at naitulong mo sa akin para maging maganda at maayos ang buhay ko. Maraming salamat din sa mga pinayo mo sakin lalo pag dalawa lang tayong mag kasama sa kotse na ngayon palang sobrang namimiss kita at naiisip kita everytime na nag ddrive ako. Sobrang hinangaan kita sa maraming bagay na alam ko na kaya ka minahal at nagustuhan din ng maraming tao. Napaka bait mong tao na binigay ni God sa buhay namin. Napaka laki ng utang na loob ko sayo na hindi ko mararating ang maraming mga bagay ng hindi dahil sayo. Mahal na mahal kita hindi ko man nasasabi sayo lagi yan pero ikaw ang isa sa pinaka importanteng tao sa buhay ko na mahal na mahal ko. Hinding hindi kita makakalimutan buong buhay ko,” saad sa post ni Dela Cruz.

Hindi naman nito nabanggit kung ano ang dahilan ng pagpanaw ng dating alkalde.

Nagparating din ng pasasalamat si Dela Cruz sa lahat ng nag-alay ng panalangin, nagmamahal at patuloy na sumusuporta kay Lim.

Read more...