Limang kilo ng bulok na karne ng manok at dalawang kilong lechong botcha, nakumpiska sa Elcano Market sa Maynila

Nakumpiska ng Manila Veterinary Inspection Board (VIB) ang limang kilo ng bulok na karne ng manok at dalawang kilong lechong botcha sa isang pamilihan sa lungsod.

Ayon sa Manila Public Information Office, isinagawa ang routine inspection ang VIB Meat Squad sa Elcano Market, araw ng Sabado (August 8).

Ito ay kasunod ng reklamo na mayroong ibinebentang ‘double dead’ na karne sa pampublikong pamilihan ng Barangay 1, Zone 1.

Tiniyak ni VIB Director Dr. Nick Santos na tuluy-tuloy pa rin ang kanilang operasyon para masigurong sariwa ang mga ibinebentang produkto sa Maynila.

“Sa mga vendors, hindi po kami magsasawang i-check kung sumusunod po kayo. Hindi rin po kami magdadalawang-isip kumpiskahin ang inyong mga paninda kung mapapatunayang botcha ito o kaya naman ay pabulok na,” pahayag ni Santos.

Read more...