Sa rainfall advisory ng PAGASA bandang 5:00 ng hapon, ito ay bunsod pa rin ng umiiral na Southwest Monsoon.
Sinabi ng weather bureau na asahan ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Metro Manila, Bataan at Rizal.
Kaparehong lagay ng panahon din ang iiral sa Cavite, Laguna, Batangas at Quezon.
Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.
MOST READ
LATEST STORIES