15 pang Filipino abroad, tinamaan ng COVID-19

Nadagdagan pa ng 15 ang mga napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang August 8, umakyat na sa 9,725 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 72 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,257 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Umakyat naman sa 5,760 ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Samantala, lima naman ang nadagdag sa mga pumanaw kung kaya 708 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,832 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 1,143 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 762 naman ang kaso sa Americas at 988 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...