Sa severe weather bulletin bandang 11:00 ng umaga, huling namataan sa layong 420 kilometers East Northeast ng Casiguran, Aurora o 445 kilometers East ng Tuguegarao City, Cagayan dakong 10:00 ng umaga.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.
Tinatahak ng bagyo ang direksyong pa-Hilaga sa bilis na 25 kilometers per hour.
Sinabi ng PAGASA na walang lugar sa bansa na itinaas sa tropical cyclone wind signal.
Ngunit, asahang makakaranas ng kalat-kalat na mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Bicol Region.
Monsoon rains naman ang iiral sa Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mindoro Provinces, Romblon, and Northern Palawan (kabilang ang Calamian, Cuyo, at Kalayaan Islands) habang occasional rains sa Pangasinan, Metro Manila, Western Visayas, at nalalabing bahagi ng Central Luzon, MIMAROPA, at CALABARZON dulot ng Southwest Monsoon.
Mananatili namang malayo ang bagyo sa kalupaan ng bansa.
Ayon pa sa weather bureau, maaari pang lumakas ang bagyo sa susunod na dalawang araw at maging tropical storm, Linggo ng umaga, August 9.
Inaasahang lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility sa Linggo ng hapon.