715 naaresto sa Navotas dahil sa paglabag sa quarantine guidelines

Arestado ang 715 na katao sa paglabag sa mga pinaiiral na safety measures laban sa COVID-19.

Sa ulat ng Navotas City Police, sa nasabing bilang, 653 ang naaresto dahil sa hindi pagsusuot o ‘di kaya ay hindi tama ang pagkakasuot ng face mask.

Mayroon namang 28 na naaresto dahil sa paglabag sa umiiral na curfew.

Habang 34 naman ang nadakip dahil sa paglabah sa ipinatutupad na 1 hanggang 2 metrong physical distancing.

 

 

 

 

 

Read more...