Kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City 1,909 na

Mayroong 60 pang bagong kaso ng COVID-19 ang napaulat sa Muntinlupa City

Dahil dito, 1,909 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang alas 7:30 ng gabi ng Biyernes (Aug. 7), sa nasabing bilang ay 723 ang aktibong kaso.

726 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 971 ang suspected cases.

Samantala, 1,105 na residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 81 naman ang nasawi.

 

 

Read more...