Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina 907 na

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa lungsod ng Marikina.

Base huling datos mula sa Marikina PIO Facebook page (3:00 PM Biyernes, August 7) pumalo na sa 907 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus.

Sa nasabing bilang, 407 ang active cases.

Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lungsod ay 44 na.

Ang bilang ng naka-recover o gumaling na sa sakit ay nasa 456 na.

 

 

Read more...