Tapos na ang maliligayang araw ng mga “buwaya” sa PhilHealth ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Ito ay matapos na ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuo ng Task Force na mag-iimbestiga sa anomalya sa ahensya.
Ani Roque, labis na ang pagkadismaya ng pangulo sa isyu ng korapsyon sa PhilHealth.
Dagdag ni Roque, pinakahihintay niya ang pagkakataong maianunsyo niya ang pangalan ng mga masisibak o matatanggal sa pwesto sa ahensya.
Iniutos ng pangulo ang pagbuo ng Task Force para imbestigahan ang mga isyu na bumabalot sa PhilHealth.
Ang TF ay pamumunuan ng DOJ katuwang ang Office of the Ombudsman, Commission on Audit, Civil Service Commission, Office of the Executive Secretary, Office of the Special Assistant to the President at residential Anti-Corruption Commission.