Sarangani, Davao Occidental muling niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 100 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani, alas-4:14 hapon ng Biyernes (August 7).

May lalim na 125 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

Read more...