18 pang Pinoy abroad, nagpositibo sa COVID-19 – DFA

Nasa 18 ang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang August 7, umakyat na sa 9,710 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 72 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,251 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

19 naman ang gumaling kung kaya 5,756 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa sakit o na-discharge na sa ospital.

Nasa 703 naman ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,824 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 1,143 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 981 naman ang kaso sa Asia Pacific Region at 762 sa Americas.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tutukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

 

 

 

Read more...