Mahigit 22.7M mag-aaral nakapag-enroll na para sa SY 2020-2021

Umabot na sa mahigit 22.7 million na mga mag-aaral ang nakapg-enroll na para sa SY 2020-2021.

Sa datos mula sa Department of Education (DepEd) sa 22,763,759 na mga mag-aaral na nakapag-enroll na, 21,236,004 ang nagpatala sa mga pampublikong paaralan.

1.49 million naman ang nagpa-enroll sa private schools.

Malaking bilang ng enrollees ay sa elementarya na umabot sa 11,131,127.

May nagpa-enroll din na 7,166,930 para sa junior high school habang 2,500,725 sa senior high school.

Madaragdagan pa ang bilang ng enrollees dahil patuloy pa ang enrollment sa ilang pribadong paaralan.

 

 

Read more...