JBC binuksan na ang aplikasyon para sa bakanteng posisyon sa CA at Office of the Ombudsman

Binuksan na ng Judicial ang Bar Council ang pagtanggap ng aplikasyon o rekomendasyon para sa bakanteng posisyon bilang Presiding Justice ng Court of Appeals (CA) at Overall Deputy Ombudsman.

Sa abiso ng JBC, ito ay kasunod ng pagsapit sa cumpolsary retirement ni CA Presiding Justice Romeo Barza.

Habang sa October 14, 2020 naman ay matatapos ang termino ni Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang.

Ang mga interesado ay maaring magsumite ng aplikasyon sa www.jbc.judiciary.gov.ph at i-click ang Online Application Scheduler.

 

Read more...