PAL naglabas na ng abiso sa mandatory na pagsusuot ng face shields ng kanilang mga pasahero

Simula sa August 15, 2020 ay ipatutupad na ng Philippine Airlines (PAL) ang mandatory na pagsusuot ng face shield ng kanilang mga pasahero.

Ayon sa abiso ng PAL, batay sa kautusan ng Department of Transportation (DOTr), maliban sa face mask ay obligado nang magsuot ng face shield ang mga pasahero nila.

Isusuot ang face masks at face shields sa buong oras ng pagbiyahe.

Muli namang iginiit ng PAL ang iba pang alituntunin na kanilang ipinatutupad bilang pag-iingat sa COVID-19:

– pagsusuot ng full PPE ng kanilang cabin crew sa buong flight
– pagkakaroo ng hand sanitizers on- ground at inflight
– thermal scanning sa lahat ng pasahero
– special inflight service
– installation ng protective barriers sa airport at ticket office counters
– intensive disinfection ng eroplano gamit ang high grade eco-friendly cleaning agents
– high-tech cabin air flow systems at paggamit ng HEPA (High Efficiency Particulate Air) Filters

 

 

Read more...