Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA, alas 2:00 ng hapon ngayong Biyernes, August 7, dahil sa trough ng Low Pressure Area ay mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga at Bulacan.
Habang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang nararanasan na sa mga sumusunod na lugar:
Metro Manika:
– Caloocan
– Malabo
– Navotas
– Valenzuela
– Quezon City
Laguna:
– San Pedro
– Binan
– Santa Rosa
– Cabuyao
– Calamba
– Los Banos
– Bay
Batangas:
– San Juan
– Rosario
– Padre Garcia
Rizal:
– San Mateo
– Binangonan
– Cardona
– Antipolo
Quezon:
– San Francisco
– San Andres
– San Antonio
– Tiaong
– Sariaya
At sa mga lalawigan ng Zambales, CAvite at Bataan.
Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha.
Maari ding magdulot ng landslides sa bulubunduking lugar ang mararanasang malakas na buhos ng ulan.