Recession dapat magpamulat sa IATF – Sen. Drilon

Sinabi ni Senate Minority Leader Frank Drilon na dapat pag-isipan ng husto ng Inter Agency Task Force at economic managers ang pagbagsak sa recession ng bansa.

Sinabi ni Drilon dapat ay maibalik ng gobyerno ang tiwala ng taumbayan sa kakayahan na labanan ang pandemiya para mapasigla ang ekonomiya.

Aniya hindi umubra ang ‘shotgun approach’ na ginawa ng gobyerno sa paghawak sa COVID-19 crisis.

Diin nito sa recession lumabas na gutom ang tao, walang trabaho, walang pera at ubos na ang naipon.

Kailangan aniya na gumawa na ng konkretong aksyon ang pamahalaan sa mga natitirang buwan ng taon para tulungan ang mga mahihirap at mapasigla ang ekonomiya.

Palagay ni Drilon kailangan ng second round ng SAP at kung maari ay palawigin pa ito.

 

 

Read more...