Ekonomiya ng bansa nasa “emergency room” na ayon kay Sen. Ralph Recto

Kailangan nang mag-alok ang gobyerno ng economic stimulus package para mabuhay ang ekonomiya ng bansa, na ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto ay nasa emergency room na.

Sinabi ni Recto na P1.4 trilyon na ang nawala sa unang kalahati ng taon at simula noong Abril hanggang nitong Enero, P10.8 bilyon ang nasasayang kada araw.

Pagdidiin ng senador kailangan ng komprehensibong tugon sa nararanasang pandemiya, partikular na ang testing, para magkaroon muli ng kumpiyansa.

Aniya kayat bumaba ang household consumption ay dahil sa pangamba ng mga tao na mahawa ng COVID-19 kaya’t hindi limitado ang paggasta nila sa labas ng bahay.

Dagdag pa ni Recto kailangan ligtas ang paggalaw ng mga tao at komersiyo at hindi dapat nahihinto ang lahat ng uri ng pampublikong transportasyon.

Marami aniya ang nawalan ng trabaho dahil walang masasakyan papasok at nagbunga naman ito ng hindi paggasta o pagtitipid ng mga konsyumer.

Umaasa si Recto na sa deliberasyon ng budget ng gobyerno ay magiging malinaw ang plano para pasiglahin ang ekonomiya kasabay nang pagtitiyak pa rin sa kaligtasan ng mamamayan.

 

 

Read more...